Someone asks…
Maaari ninyo po bang ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan:
a. walang mang-aalipin kung walang paaalipin
b.nasa pagkakaisa ang tagumpay
Now let’s see…
A. There are no tyrants where there are no slaves.
Sadyang dalawa ang mukha ng ating buhay. May umaga at may gabi. May lungkot at ligaya. May hirap at ginhawa.
May nang-aapi, at may naaapi.
Kinikuha ng nang-aapi ang kanyang kapangyarihan sa mga taong tahimik lamang na tinatanggap ang pang-aapi.
Sa oras na natanto ng kawawa ang lakas na ipinamimigay niya sa iba, sa araw na matutunan niyang hawakan ang sarili niyang kapalaran at lumaban, mawawala ang mga naghahari-harian sa kanyang buhay.
B. In unity, success.
Pagmasdan ang walis tingting. Kung iisa-isahin ang bawat piraso, kay daling baliin. Ngunit habang magkasama silang lahat, kay hirap putulin.
Gayundin ang mga taong nagkakaisa. Higit na matutupad o mabubuo ang anumang adhikaing isinusulong ng nagkakaisang samahan.
There. I hope that helps.